Monday, September 29, 2008

Welcome to the Balitaan: Marlon Garcia


Ka Ed Triguero said:

"Dear Marlon,

Thanks for the photo. Di kita gaanong nakilala dahil sa buhok, sa facial yon pa rin medyo tumaba lang.

Kwento sa akin ni Elly na nagkita kayo sa Baguio. Sa Baguio kana ba naka base? Kung taga Baguio ka malamang na maging magkababayan tayo pag natuloy kaming sa Baguio manirahan.

Magandang weekend as lahat ng kabalitaan.


Regards,

Ka Ed T"


Marlon replied:

Dear Ka Ed,

Tumaba talaga ako, actually, pinagsabihan nga ako ng Doctor during my last check-up to lose weight na raw kasi nasa early stage na raw ako ng obesity. Ang hirap naman kasing pigilan kumain. Pero nagmemenor na rin ako sa pagkain kasi matanda na rin ako, kailangan na rin maging health conscious.

By the way, hindi ako taga-Baguio pero malapit lang kami sa Baguio. Taga-Bauang, La Union ako, kaya pwede pa rin tayong magkita at magkakwentuhan pag nanirahan na kayo dun.

Maraming kamusta sa lahat ng srf tropang 6167.


Regards,

Marlon"

1 comment:

Anonymous said...

Ka Ed,

Malapit na malapit ang Naguilian, kaya talagang makakapasyal ka sa amin. Nasa Pagdalagan Sur, Bauang kami. Tapat lang kami nung Southern Palm at malapit sa Kubong Sawali Restaurant. Meron akong maliit na negosyo (kuno), ang pangalan ay Boatman Videoke and Eatery, pasyal ka dun at magkanta-kanta tayo.

Talagang si Cata, ganun pa rin sa dati, palabiro, he he he.

Hope to see you soon.

Lhon