Tuesday, April 28, 2009

Habang nag-aantay ng ika-2 yugto

Ang tagal naman ni Montie na mag-submit ng ika dalawang yugto ng kanyang Alamat series. Buti na lang eh meron siyang mga muni-muning nai-email nuong siya ay nag-dadalamhati nuong Holy Week [Mahal na Araw, dahil mahal ang mga isda at iba pang mga hango sa dagat] sa lupain ng Islam:

Ang mga Huling Salita ayon kay Montie [Ilan pang huling wika sa senaculo sa Calaguiman, Samal, Bataan.... ]

Umpisahan muna natin sa huling uwi ni Ka Ed T:

"Nakapag Holy Week ako sa atin na-timing na may byahe kaya nakadalaw sa Bataan. Malaki na pala ang kaibahan ng celebrasyon ng Holy week sa atin. I recall long time ago, everything stop pag Holy Week na at pag alas tres na ng Biernes wala ka ng gagawin kundi pagnilaynilayan ang Pasyon ni Hesucristo. Ngayon pala kakaiba na...

Kunti na rin ang mga nagpe-penetensya (nagpapadugo) sa aming baryo mababait na daw. Pero ang pagbasa ng Pasyon buhay na buhay pa at ang nakagawiang prusesyon." [Ka Ed T]

Sagot naman ng ating kasama na si MarMir kay Ka Ed T:

"Ka EdT,

Makasinigit uli ha....(my favorite...singit. ..hehe)

Ibang-iba na talaga ang pagdaraos ng holy week sa tin ngayon.... kita mo naman yung nagbabasa ng pasyon na kabataan.... Rap style na di ba? At pinapayagan naman ng simbahang katoliko, ala naman daw masama dun kung gusto nilang maiba naman ang tono....

Mar M"

Naalala ko tuloy nung minsan kaming umuwi ng Misis ko na may tiyuhin sa Balsik, Hermosa, Bataan. Meron ba namang naka-tali sa krus na mama. Pero sa halip na kung minsan eh pasan pasan habang at nagpe-penitensiya, tapos at ipapako sa krus - eh itong mama na to eh naka-gapos na sa krus pero yung krus eh nakatali sa traysikel, papunta kung saan! Nakakatawang di mo malaman... pero solve siya kasi nga naman eh mainit at sa bilis ng trasikel eh naha-hanginan siya. Pinoy nga naman, wais!

Ang pasok naman ni Montie: "Ilan pang huling wika sa senaculo sa Calaguiman, Samal, Bataan....

"Alam nyo ba ang unang wikang binigkas ng ipinako sa krus sa Calaguiman, Samal, Bataan?

"Ibaba nyo uli ko"

"Bakit?" ang tanong naman ng Hudyo. At ito ang pangalawang wika....

"Nalaglag tsinelas ko!!!" (corny)"

At siyempre, di papahuli si Ka Hal at ang kanyang IPhone [Inggit ako! Biro nakakapag email at Twitter sa IPhone.]

"In our barrio, there was this young man with an out-of-cal brain who went from one Senakulo to another carrying a big cross. When he came to our place, he placed his cross down the road and lay face down in front of the cross. He was there motionless. What the Barkada did was they sneaked his cross and hid it behind the Senakulo. When he got up, removed his red hood and looked around figuring out what happened to his cross. Then he said, "Mga Putangina ninyo, ilitaw ninyo ang cruz ko kung hindi, ipapako ko kayong lahat." And we all run because he started to chase us. Funny? Maybe not.

Orig yung kay montie...

Hal Sent from my iPhone"

At siyempre bumanat uli si Montie:

"Ako'y nauuhaw" (pang-apat na wika)

Narinig ng nanay nya na malapit lang sa krus niya, so pinaki-abot sa hudyo ang isang zesto na itinali naman sa dulo ng sibat at iniabot sa bibig ng nakapako.... maraming nakarinig sabi daw nya....

"Walang straw?" (panglimang wika......)

Ano yung pangatlong wika? Ewan ko, tanungin natin si Montie.

Monday, April 27, 2009

Ala lang.... Montie-isms

Yang picture [actually series of pictures] na padala ni Ka Rey V, na nagtatanong "How was you day? Parang yung disaster ni Igbar, Iftikar at Ka Hal. Di kaya sila din tong mga to?

Ito talagang si batchmate Montie eh maraming mga one-liners na nakakatawa. Dahil kaya ala lang... ala lang magawa? O talagang may talent si Ka Montie [na sa pandinig nya eh, tunog kamote daw ang tawag ko sa kanya!]; yan ang balik ni Montie... eto pa...

Ito kasing si Ka Hal eh sukat magpadala ng email forwarded tungkol sa Etihad na di naman pala tutuo, banggit ni Ka Rey Rosel mula sa Snopes. Meron lang walang magawa na nakakita nuong mga litrato at ginawan ng kwento - kagaya ko rine ginagawa ng kwento tong mga palitan ng emails ng tropa - para bagang balik sa shop - palipas oras sa kwentuhan walang katuturan.

Mabalik ke Ka Hal, eto ang kwento [at palusot] nya:

"Thanks. Nice to hear both sides always. But the software that is running those airplanes should be foolproof. I use handbreak when stopping uphill because my Honda will go down as soon you release the footbreak even on drive. Then, I will put gas before I release the lever. Useful in San Francisco hilly streets.

I almost got killed one time while working on an antenna on a mobile radar in Abu Dhabi. The "local" applied power to the equipment to make the airconditioning unit work inside. The radar didn't have a safety switch to prevent the antenna from turning when it is down [for maintenance]. Actually we made sure that the switch is on before we raised it. One Pakistani got multiple broken ribs when he got run over by the radar antenna."

Hal

Balik naman ni Ka tukayong MarMir eh: "He is still alive... he is a Pakistani & his name is IFTIKAR...." At eto naman po ang tirada ni Montie "Sakit noon no? Ilang ulit bang dinaanan ng antenna yon bago pinatay ni Iqbal. May kwento ako kay Iqbal he he he he...." Di mo ba nahahalata na mahilig tong si Montie na mag-kwento? Yan eh habang me tini-troubleshoot na kung ano sa trabaho. Magaling talaga yang si Montie maski nuon pang apprentice kami... tahimik pero mapanganib.

Naguluhan tuloy si Tukayong MarMir; na mahilig ding mag email at mag kwento: "Pinatay ba yun ni Iqbal.....alin si Iftikar????? o yung radar....." Kaya ang balik ni Montie eh "Ni-review ko sagot ko muk'a ngang pinatay ni Iqbal si Iftiqar he he he... yong radar yon... pero wala ako doon. Narinig ko lang sa imbestigador ng bayan, si Ka Roger..."

At dahil nga malabo ang kwento; lalo na sa akin na di kilala si Igbal o ang lintek na Iftiqar na yun. Buti na lang at nilinaw ni Ka Hal:

"Si Iqbal ba yung bukbukin yung mukha at medyo labas yung ngipin sa harapan? Si Iftiqar naman yung pinakabata na Paki at matangkad at mabait. Masipag at noong nakita akong nag-tratrabaho na sa itaas ay tinulungan ako. Siya pa nga yung nag ON ng interlock switch sa antenna at baka daw makalimutan at problema kung naitaas na yung mast ng radar.

Sino nga ba yung Paki na muntik na nahuli sa lipad sa Pakistan dahil doon sa airlines na papuntang India yung pinilahan niya? Mahilig sa poker yaon at palatawa din at malakas manigarilyo. Best friend ni Mon."

Tamo yan me pahaging pang panlalait ke Montie... best friend daw yung nahuli sa pag uwi sa Pakistan dahil sa katangahang pag pila sa papuntang India. Eh si batchmate Montie eh napaka-talino pa naman, dyan ata ako nangongopya sa Math pag ala si Rodel R o si Boy Alvarez [SLN].

Pero true to form [ika nga], ang sagot ni Montie:

"Si Bashir... Hindi nya alam ang English sa labanos (alam nya sa Urdu) kaya ang tawag nya sa labanos, "opposite of carrot"."

Heheheeee. Kita mo na yan... mula sa mga taga Etihad... napunta ke Bashir na alang alam kung hindi "opposite of carrot", meron pala nun!

O eto na ang "Alamat ng Bitin" ni Montie


Unang Yugto

Noong unang panahon, merong isang ubod ng guapong lalaki sa bayan ng Sapalad. Ang tawag sa kanya ng mga kababayan niya ay Aging. Maraming may crush kay Aging pero wala isa man sa kanila ang pinapansin nito.

Nang minsang sumama si Aging sa isang kasayahan sa bayan ng Bebel, merong nakitang babae itong si Aging at agad pinormahan. Nabighani din naman ang babae na nagngangalang Kiray.

Maganda sana si Kiray kundi lang halang ang tenga at malaki ang ilong. Medyo hindi rin diretso maglakad dahil na-polio ito noong maliit pa siya. At ang kaliwang kilay ni Kiray ay di pa rin tumutubo buhat noong masunog ito dahil biglang nag-back-fire ang de-kalburong kanyon-kanyonan na hinihipan nito nong nakaraang bagong taon. Anyway, balik tayo kay Aging…..

Kahit nabalitaan ni Aging na mabagsik at lasenggo ang tatay ni Kiray, matapang pa ring dumayo at umakyat ito ng ligaw kay Kiray. Pagpasok pa lang sa bakuran nila Kiray eh bigla na lang kumahol ang aso. Hindi natakot si Aging sa tahol ng aso, bagkos ay natakot sya sa galis na bumabalot dito. Binuhusan kasi ng gaas ni Antet (kaibigan ng kuya ni Kiray) ‘tsaka sinindihan dahil nagalit ito noong tinukso siyang “supot” ng kuya ni Kiray dahil umurong ito sa takot noong tulian noong nakaraang Biyernes Santo. Anyway balik tayo uli kay Aging…..

Pinaakyat ng bahay ni Kiray si Aging at agad hinainan ng nilupak na saging at isang basong tubig. Ayaw sana ni Aging kumain ng nilupak dahil nakita niya sa lamesa ang karyoka na mas paborito niya. Di nagtagal eh dumating ang tatay ni Kiray na lasing na lasing at may hawak na itak at agad na hinarap si Aging. Sa takot ni Aging, tumalon ito sa bintana pero puro cactus pala ang naka-tanim sa ibaba. Maagap na humawak ito sa gilid ng bintana sa takot na matusok ng cactus pero nahagip siya sa kamay ng itak ng tatay ni Kiray, putol!!!! Gayong putol na ang kamay ni Aging eh naisip pa rin nito ang kanyang tsinelas dahil kabibili lang niya nito. Pero napilitan na rin siyang tumakbo dahil nakita niyang hinihigaan ng aso ni Kiray ang bago niyang tsinelas. Anyway balikan natin ang kamay ni Aging….

Sa pagdadalamhati ni Kiray, inilibing niya ang kamay ni Aging (na namatay dahil sa impeksyon). Di naglaon eh merong tumubong puno (na naman?) sa pinaglibingan ng kamay ni Aging. Hindi alam ni Kiray kung anong puno ito dahil noon nya lang ito nakita sa buong buhay nya. Nagbunga ang puno at kahawig ng kamay ni Aging ang bunga nito (ayon kay Kiray).

Dahil sa pagdadalumhati ay nagkasakit si Kiray. Naghihingalo nitong ipinagbilin sa kuya niya kung anong itatawag sa puno na tumubo sa pinaglibingan sa kamay ni Aging. “Kuya, dahil doon nakalibing ang kamay ni Aging, tawagin mo ang puno sa pangalan na…………….

Aaagggggh…… natigbak si Kiray!!!!

Abangan ang ikalawang yugto, “Ang Pagbibinata ni Antet”

Friday, April 24, 2009

Mga kuwento ni Montie: Ang Gulong

Sa shop ay maraming mga kuwento, karamihan ay nakakatawa at iba naman ay mga patungkol sa trabaho lalo na oras ng overtime. At dahil nga overtime at extrang malaki ang bayad, lahat ay halos di na umuuwi, makapag-overtime lamang.

Ito ang isa sa mga kuwento ukol sa overtime:

Nagsimula ito sa isang tanong ni Ka Mon L:

"Montie,

Joke lang. Alam ko namang sila Celo at Lors Canlas ang magkakasabayan hehehe. Ang natatandaan ko lang ay paborito ka ni Mang Lors noon pag may LN-66 Radar Installation.

Nasaan na nga pala si Mang Lors?

Regards,

MonL"

Ang sagot ni Ka Montie; na aking ka batch mate din ['81 for the record!] at di ka batch nina Ka Nanding o ni Mang Lors o Celo] ay ang mga sumusunod:

"Si Mang Lors? Ewan ko lang, wala na akong balita. Pero meron akong naala-ala at ikekwento ko na lang na parang "Maala-ala mo Kaya".... music maestro..... .

Ang kwentong inyong matutunghayan ay pinamagatang. ... (ewan ko baka recycled na 'to baka naikwento ko na?): [Moderator's note: Walang pikunan, kwento lang ito. Ang mga tauhan dine eh talagang kasama sa kwento at di kathang-isip lamang.]

"Gulong"

"Sa takaw ko sa overtime noong apprentice pa ko, naabutan ako ng malakas na ulan at nagkataon naman na walang masakyan noon kaya kahit na nahihiya ako ay lumapit ako kay Mang Lors.

Mabait naman si Mang Lors at kaagad ay sinabing "walang problema". So, sa madaling salita bumaba na kami ng workshop at pumunta sa may kotse nya. Palibhasa nakaupo na si Mokik sa harap, kaya sa likod ako pumuwesto. Pag-bukas pa lang ng pinto ay nagliparan ang napaka-raming lamok na parang sabik makalabas. Pero dahil nga sa walang masakyan... ok lang.

Ang problema na naman, wala ang upuan sa likod dahil di raw kasya sa trunk yong mga gulong na pinalitan nya, so napilitan akong maupo sa gulong. At dahil sa marami pa ring lamok at sarado ang bintana, pa-salat kong hinanap ang pangbukas, pero wala akong masalat at meron lang na parang turnilyo. Nahalata naman ni Mang Lors at buong alalahaning iniabot sa akin ang vise grip.... iyon daw ang pangbukas dahil nasira na yong pihitan, pero dahil nga sa walang masakyan.... ok lang....

Ini-start ang kotse.... ayaw mag-start... . nalamigan daw... so baba kami ni Mokik para magtulak. Kahit malakas ang ulan tulak kami ni Mokik hanggang sa umabot sa may Mabuhay restaurant at saka pa lang nag-start ang kotse. Pero dahil nga sa walang masakyan.... ok lang....

Sakay uli kami at di ko alam kung pawis o ulan ang ang tumutulo galing sa bumbunan ko. Pagtapat sa may Shop 11... hindi nakita ni Mang Lors ang hump... dineretso... BLAGGGG!!!!
Na-shoot ako sa gitna ng gulong na inuupuan ko, tapos yong isa pang gulong pumatong naman sa hita ko... pero dahil sa wala ngang masakyan... ok lang...

Pagdating sa gate, na-routine check naman ng marine, so baba kami at malakas pa rin ang ulan. After mga 10 minutes na check, go uli. Alam mo ang itsura ko noong bumaba na ko? Alam mo yong sisiw sa balot, ganoon!! Nagbabahing na ako sa pagod at lamig ng lumabas kami ng gate...... Kinabukasan. .....

..........overtime uli ako....."

Monday, April 6, 2009

April Birthday Celebrants

Happy Birthday to the following April Birthday Celebrants:

Apr 10 Willie Boy Ancheta
Apr 13 Gloria Duque & Nanding de Guzman
Apr 24 Len Wong Aquino
Apr 30 Gualberto Nestor Sia

All,

To those members whose birthday falls on April but are not included in this list, kindly provide info to victoriarcv@ yahoo.com for inclusion in our birthday database.

Thanks,
ReyV