Ang tagal naman ni Montie na mag-submit ng ika dalawang yugto ng kanyang Alamat series. Buti na lang eh meron siyang mga muni-muning nai-email nuong siya ay nag-dadalamhati nuong Holy Week [Mahal na Araw, dahil mahal ang mga isda at iba pang mga hango sa dagat] sa lupain ng Islam:
Ang mga Huling Salita ayon kay Montie [Ilan pang huling wika sa senaculo sa Calaguiman, Samal, Bataan.... ]
Umpisahan muna natin sa huling uwi ni Ka Ed T:
"Nakapag Holy Week ako sa atin na-timing na may byahe kaya nakadalaw sa Bataan. Malaki na pala ang kaibahan ng celebrasyon ng Holy week sa atin. I recall long time ago, everything stop pag Holy Week na at pag alas tres na ng Biernes wala ka ng gagawin kundi pagnilaynilayan ang Pasyon ni Hesucristo. Ngayon pala kakaiba na...
Kunti na rin ang mga nagpe-penetensya (nagpapadugo) sa aming baryo mababait na daw. Pero ang pagbasa ng Pasyon buhay na buhay pa at ang nakagawiang prusesyon." [Ka Ed T]
Sagot naman ng ating kasama na si MarMir kay Ka Ed T:
"Ka EdT,
Makasinigit uli ha....(my favorite...singit. ..hehe)
Ibang-iba na talaga ang pagdaraos ng holy week sa tin ngayon.... kita mo naman yung nagbabasa ng pasyon na kabataan.... Rap style na di ba? At pinapayagan naman ng simbahang katoliko, ala naman daw masama dun kung gusto nilang maiba naman ang tono....
Mar M"
Naalala ko tuloy nung minsan kaming umuwi ng Misis ko na may tiyuhin sa Balsik, Hermosa, Bataan. Meron ba namang naka-tali sa krus na mama. Pero sa halip na kung minsan eh pasan pasan habang at nagpe-penitensiya, tapos at ipapako sa krus - eh itong mama na to eh naka-gapos na sa krus pero yung krus eh nakatali sa traysikel, papunta kung saan! Nakakatawang di mo malaman... pero solve siya kasi nga naman eh mainit at sa bilis ng trasikel eh naha-hanginan siya. Pinoy nga naman, wais!
Ang pasok naman ni Montie: "Ilan pang huling wika sa senaculo sa Calaguiman, Samal, Bataan....
"Alam nyo ba ang unang wikang binigkas ng ipinako sa krus sa Calaguiman, Samal, Bataan?
"Ibaba nyo uli ko"
"Bakit?" ang tanong naman ng Hudyo. At ito ang pangalawang wika....
"Nalaglag tsinelas ko!!!" (corny)"
At siyempre, di papahuli si Ka Hal at ang kanyang IPhone [Inggit ako! Biro nakakapag email at Twitter sa IPhone.]
"In our barrio, there was this young man with an out-of-cal brain who went from one Senakulo to another carrying a big cross. When he came to our place, he placed his cross down the road and lay face down in front of the cross. He was there motionless. What the Barkada did was they sneaked his cross and hid it behind the Senakulo. When he got up, removed his red hood and looked around figuring out what happened to his cross. Then he said, "Mga Putangina ninyo, ilitaw ninyo ang cruz ko kung hindi, ipapako ko kayong lahat." And we all run because he started to chase us. Funny? Maybe not.
Orig yung kay montie...
Hal Sent from my iPhone"
At siyempre bumanat uli si Montie:
"Ako'y nauuhaw" (pang-apat na wika)
Narinig ng nanay nya na malapit lang sa krus niya, so pinaki-abot sa hudyo ang isang zesto na itinali naman sa dulo ng sibat at iniabot sa bibig ng nakapako.... maraming nakarinig sabi daw nya....
"Walang straw?" (panglimang wika......)
Ano yung pangatlong wika? Ewan ko, tanungin natin si Montie.
Tuesday, April 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment