Unang Yugto
Noong unang panahon, merong isang ubod ng guapong lalaki sa bayan ng Sapalad. Ang tawag sa kanya ng mga kababayan niya ay Aging. Maraming may crush kay Aging pero wala isa man sa kanila ang pinapansin nito.
Nang minsang sumama si Aging sa isang kasayahan sa bayan ng Bebel, merong nakitang babae itong si Aging at agad pinormahan. Nabighani din naman ang babae na nagngangalang Kiray.
Maganda sana si Kiray kundi lang halang ang tenga at malaki ang ilong. Medyo hindi rin diretso maglakad dahil na-polio ito noong maliit pa siya. At ang kaliwang kilay ni Kiray ay di pa rin tumutubo buhat noong masunog ito dahil biglang nag-back-fire ang de-kalburong kanyon-kanyonan na hinihipan nito nong nakaraang bagong taon. Anyway, balik tayo kay Aging…..
Kahit nabalitaan ni Aging na mabagsik at lasenggo ang tatay ni Kiray, matapang pa ring dumayo at umakyat ito ng ligaw kay Kiray. Pagpasok pa lang sa bakuran nila Kiray eh bigla na lang kumahol ang aso. Hindi natakot si Aging sa tahol ng aso, bagkos ay natakot sya sa galis na bumabalot dito. Binuhusan kasi ng gaas ni Antet (kaibigan ng kuya ni Kiray) ‘tsaka sinindihan dahil nagalit ito noong tinukso siyang “supot” ng kuya ni Kiray dahil umurong ito sa takot noong tulian noong nakaraang Biyernes Santo. Anyway balik tayo uli kay Aging…..
Pinaakyat ng bahay ni Kiray si Aging at agad hinainan ng nilupak na saging at isang basong tubig. Ayaw sana ni Aging kumain ng nilupak dahil nakita niya sa lamesa ang karyoka na mas paborito niya. Di nagtagal eh dumating ang tatay ni Kiray na lasing na lasing at may hawak na itak at agad na hinarap si Aging. Sa takot ni Aging, tumalon ito sa bintana pero puro cactus pala ang naka-tanim sa ibaba. Maagap na humawak ito sa gilid ng bintana sa takot na matusok ng cactus pero nahagip siya sa kamay ng itak ng tatay ni Kiray, putol!!!! Gayong putol na ang kamay ni Aging eh naisip pa rin nito ang kanyang tsinelas dahil kabibili lang niya nito. Pero napilitan na rin siyang tumakbo dahil nakita niyang hinihigaan ng aso ni Kiray ang bago niyang tsinelas. Anyway balikan natin ang kamay ni Aging….
Sa pagdadalamhati ni Kiray, inilibing niya ang kamay ni Aging (na namatay dahil sa impeksyon). Di naglaon eh merong tumubong puno (na naman?) sa pinaglibingan ng kamay ni Aging. Hindi alam ni Kiray kung anong puno ito dahil noon nya lang ito nakita sa buong buhay nya. Nagbunga ang puno at kahawig ng kamay ni Aging ang bunga nito (ayon kay Kiray).
Dahil sa pagdadalumhati ay nagkasakit si Kiray. Naghihingalo nitong ipinagbilin sa kuya niya kung anong itatawag sa puno na tumubo sa pinaglibingan sa kamay ni Aging. “Kuya, dahil doon nakalibing ang kamay ni Aging, tawagin mo ang puno sa pangalan na…………….
Aaagggggh…… natigbak si Kiray!!!!
Abangan ang ikalawang yugto, “Ang Pagbibinata ni Antet”

4 comments:
Mike,
Paano ba pronounce yung bitin? mabagal o mabilis. Mukhang bitin tayo sa kwento ni Montie.
Hal
Mabilis yon... Yong sinasabi mong mabagal "Eng-Bi-Tin", bilihan ng hopya na manipis ang balat....
Montie
Mabuhay ka Montie !! Wala kang kupas,!! Nai-imagine ko tuloy yung eksena sa Radar pag bumabangka ka na ng kwento... More.... More !!!!
Ning Tala
Pati ikaw Ning naniniwala pa rin sa alamat ha? Di nyo alam, ang nagku-kwento may lamat??
Montie
Post a Comment