Monday, April 27, 2009

O eto na ang "Alamat ng Bitin" ni Montie


Unang Yugto

Noong unang panahon, merong isang ubod ng guapong lalaki sa bayan ng Sapalad. Ang tawag sa kanya ng mga kababayan niya ay Aging. Maraming may crush kay Aging pero wala isa man sa kanila ang pinapansin nito.

Nang minsang sumama si Aging sa isang kasayahan sa bayan ng Bebel, merong nakitang babae itong si Aging at agad pinormahan. Nabighani din naman ang babae na nagngangalang Kiray.

Maganda sana si Kiray kundi lang halang ang tenga at malaki ang ilong. Medyo hindi rin diretso maglakad dahil na-polio ito noong maliit pa siya. At ang kaliwang kilay ni Kiray ay di pa rin tumutubo buhat noong masunog ito dahil biglang nag-back-fire ang de-kalburong kanyon-kanyonan na hinihipan nito nong nakaraang bagong taon. Anyway, balik tayo kay Aging…..

Kahit nabalitaan ni Aging na mabagsik at lasenggo ang tatay ni Kiray, matapang pa ring dumayo at umakyat ito ng ligaw kay Kiray. Pagpasok pa lang sa bakuran nila Kiray eh bigla na lang kumahol ang aso. Hindi natakot si Aging sa tahol ng aso, bagkos ay natakot sya sa galis na bumabalot dito. Binuhusan kasi ng gaas ni Antet (kaibigan ng kuya ni Kiray) ‘tsaka sinindihan dahil nagalit ito noong tinukso siyang “supot” ng kuya ni Kiray dahil umurong ito sa takot noong tulian noong nakaraang Biyernes Santo. Anyway balik tayo uli kay Aging…..

Pinaakyat ng bahay ni Kiray si Aging at agad hinainan ng nilupak na saging at isang basong tubig. Ayaw sana ni Aging kumain ng nilupak dahil nakita niya sa lamesa ang karyoka na mas paborito niya. Di nagtagal eh dumating ang tatay ni Kiray na lasing na lasing at may hawak na itak at agad na hinarap si Aging. Sa takot ni Aging, tumalon ito sa bintana pero puro cactus pala ang naka-tanim sa ibaba. Maagap na humawak ito sa gilid ng bintana sa takot na matusok ng cactus pero nahagip siya sa kamay ng itak ng tatay ni Kiray, putol!!!! Gayong putol na ang kamay ni Aging eh naisip pa rin nito ang kanyang tsinelas dahil kabibili lang niya nito. Pero napilitan na rin siyang tumakbo dahil nakita niyang hinihigaan ng aso ni Kiray ang bago niyang tsinelas. Anyway balikan natin ang kamay ni Aging….

Sa pagdadalamhati ni Kiray, inilibing niya ang kamay ni Aging (na namatay dahil sa impeksyon). Di naglaon eh merong tumubong puno (na naman?) sa pinaglibingan ng kamay ni Aging. Hindi alam ni Kiray kung anong puno ito dahil noon nya lang ito nakita sa buong buhay nya. Nagbunga ang puno at kahawig ng kamay ni Aging ang bunga nito (ayon kay Kiray).

Dahil sa pagdadalumhati ay nagkasakit si Kiray. Naghihingalo nitong ipinagbilin sa kuya niya kung anong itatawag sa puno na tumubo sa pinaglibingan sa kamay ni Aging. “Kuya, dahil doon nakalibing ang kamay ni Aging, tawagin mo ang puno sa pangalan na…………….

Aaagggggh…… natigbak si Kiray!!!!

Abangan ang ikalawang yugto, “Ang Pagbibinata ni Antet”

Friday, April 24, 2009

Mga kuwento ni Montie: Ang Gulong

Sa shop ay maraming mga kuwento, karamihan ay nakakatawa at iba naman ay mga patungkol sa trabaho lalo na oras ng overtime. At dahil nga overtime at extrang malaki ang bayad, lahat ay halos di na umuuwi, makapag-overtime lamang.

Ito ang isa sa mga kuwento ukol sa overtime:

Nagsimula ito sa isang tanong ni Ka Mon L:

"Montie,

Joke lang. Alam ko namang sila Celo at Lors Canlas ang magkakasabayan hehehe. Ang natatandaan ko lang ay paborito ka ni Mang Lors noon pag may LN-66 Radar Installation.

Nasaan na nga pala si Mang Lors?

Regards,

MonL"

Ang sagot ni Ka Montie; na aking ka batch mate din ['81 for the record!] at di ka batch nina Ka Nanding o ni Mang Lors o Celo] ay ang mga sumusunod:

"Si Mang Lors? Ewan ko lang, wala na akong balita. Pero meron akong naala-ala at ikekwento ko na lang na parang "Maala-ala mo Kaya".... music maestro..... .

Ang kwentong inyong matutunghayan ay pinamagatang. ... (ewan ko baka recycled na 'to baka naikwento ko na?): [Moderator's note: Walang pikunan, kwento lang ito. Ang mga tauhan dine eh talagang kasama sa kwento at di kathang-isip lamang.]

"Gulong"

"Sa takaw ko sa overtime noong apprentice pa ko, naabutan ako ng malakas na ulan at nagkataon naman na walang masakyan noon kaya kahit na nahihiya ako ay lumapit ako kay Mang Lors.

Mabait naman si Mang Lors at kaagad ay sinabing "walang problema". So, sa madaling salita bumaba na kami ng workshop at pumunta sa may kotse nya. Palibhasa nakaupo na si Mokik sa harap, kaya sa likod ako pumuwesto. Pag-bukas pa lang ng pinto ay nagliparan ang napaka-raming lamok na parang sabik makalabas. Pero dahil nga sa walang masakyan... ok lang.

Ang problema na naman, wala ang upuan sa likod dahil di raw kasya sa trunk yong mga gulong na pinalitan nya, so napilitan akong maupo sa gulong. At dahil sa marami pa ring lamok at sarado ang bintana, pa-salat kong hinanap ang pangbukas, pero wala akong masalat at meron lang na parang turnilyo. Nahalata naman ni Mang Lors at buong alalahaning iniabot sa akin ang vise grip.... iyon daw ang pangbukas dahil nasira na yong pihitan, pero dahil nga sa walang masakyan.... ok lang....

Ini-start ang kotse.... ayaw mag-start... . nalamigan daw... so baba kami ni Mokik para magtulak. Kahit malakas ang ulan tulak kami ni Mokik hanggang sa umabot sa may Mabuhay restaurant at saka pa lang nag-start ang kotse. Pero dahil nga sa walang masakyan.... ok lang....

Sakay uli kami at di ko alam kung pawis o ulan ang ang tumutulo galing sa bumbunan ko. Pagtapat sa may Shop 11... hindi nakita ni Mang Lors ang hump... dineretso... BLAGGGG!!!!
Na-shoot ako sa gitna ng gulong na inuupuan ko, tapos yong isa pang gulong pumatong naman sa hita ko... pero dahil sa wala ngang masakyan... ok lang...

Pagdating sa gate, na-routine check naman ng marine, so baba kami at malakas pa rin ang ulan. After mga 10 minutes na check, go uli. Alam mo ang itsura ko noong bumaba na ko? Alam mo yong sisiw sa balot, ganoon!! Nagbabahing na ako sa pagod at lamig ng lumabas kami ng gate...... Kinabukasan. .....

..........overtime uli ako....."

Monday, April 6, 2009

April Birthday Celebrants

Happy Birthday to the following April Birthday Celebrants:

Apr 10 Willie Boy Ancheta
Apr 13 Gloria Duque & Nanding de Guzman
Apr 24 Len Wong Aquino
Apr 30 Gualberto Nestor Sia

All,

To those members whose birthday falls on April but are not included in this list, kindly provide info to victoriarcv@ yahoo.com for inclusion in our birthday database.

Thanks,
ReyV

Monday, March 23, 2009

Happy 3rd Anniversary

Original artworks by Ka Rey Victoria.

Mga Ka Tropa,

Good Day sa lahat!

Just to inform all Ka Balitaan, tomorrow, March 21 is our 3rd year anniversary. If you recall March 21, 2006 noong pormal na likupin tayo under Yahoo Group ni Ka Mon Lingad. I hope na nakakarating din sa kanya ang mga balitaan ng tropa dito sa ating Yahoo Group.

Paki visit ang ating website at ang photo gallery para sa collection ng mga pictures at art work ng grupo.

Happy Happy 3rd Year Anniversary sa Lahat.

Magandang weekend.


Regards,

Ka Ed T


Happy 3rd [Anniversary] sa lahat!

Cecilia Mendigorin-Gamboa

-----------------------

Sa lahat ng kabalitaan,

Maligayang pagbati sa ating lahat...ikatlong taon na pala....hehehe parang kailan lang!

Kamusta... at palaging mag iingat...Pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal!

Angge

Friday, March 13, 2009

Arleen Andrade: Calgary CA


New Balitaan member, Arleen Andrade - Pareng Arleen to Bayani.

He and his family now lives in Calgary, Canada.

Thursday, February 26, 2009

Dawatis Family SoCal Sojourn: Jan 2009


Good day everyone,

I was browsing and saw the link to the S61/67 virtual site last year. Saw some pictures posted which brought back memories from the good old days.


Looks like Mario wants to go back working for SRF!

It's been more than 25+ years since the last time I've been on a ship. One of these days, I told myself, I shall pay a visit to the CV-41 (museum) currently docked in San Diego. And we did, last month, our son Charles (graduated from Arts Institute of Vancouver last December) and our youngest daughter Anne (just got accepted and will be taking nursing this fall 2009) embarked on a journey to Southern California (Chula Vista, San Diego & National City) for a week.

Here are some of the photos, enjoy!

Regards to all,
Jose Mario Dawatis

Friday, February 20, 2009

Ning Birthday Greetings and financial crisis

It is Ning's birthday today and she emailed us back with these pictures attached:

"Everyone!!

Thank you so much for your greetings. Kahit tikoy wala tayo this year, can you imagine force leave kami dito sa work? Since this Feb, all employees in our company [Advance Composite Systems Inc. or ACS] are only working 3 days a week. Medyo naka hold yung mga orders namin.

Please see pictures attached, our shop is located in front of Rivera Pier, what I can remember is our building was the former Battery Shop of S51, fronting kami ng sea, at view sa window namin yung Subic Dock.


Medyo, for luxury kasi ang products namin, RIB (rigid inflatable boats) at Catamarans (we have 2 units being assembled here) kaya limited ang clients. Walang new orders pa as of today, kaya wait and wait lang kami dito.

Mga 5+ commercial vessels are now berthed in SRF ports, walang work din, they may stay here for few months daw. Grabe crisis dito. Kaya pasencya na muna mga kapatid, kapuso at kapamilya.. wala kahit tikoy this year!!

But of course, THANK YOU SO MUCH for all your greetings...regards to everyone."

Maybe Ka Hal et. al. can order a catamaran for us to use when in Subic!

Related links:

http://www.subicchamber.org/index.html Outlook for SBMA locators 2009.