Monday, April 27, 2009

Ala lang.... Montie-isms

Yang picture [actually series of pictures] na padala ni Ka Rey V, na nagtatanong "How was you day? Parang yung disaster ni Igbar, Iftikar at Ka Hal. Di kaya sila din tong mga to?

Ito talagang si batchmate Montie eh maraming mga one-liners na nakakatawa. Dahil kaya ala lang... ala lang magawa? O talagang may talent si Ka Montie [na sa pandinig nya eh, tunog kamote daw ang tawag ko sa kanya!]; yan ang balik ni Montie... eto pa...

Ito kasing si Ka Hal eh sukat magpadala ng email forwarded tungkol sa Etihad na di naman pala tutuo, banggit ni Ka Rey Rosel mula sa Snopes. Meron lang walang magawa na nakakita nuong mga litrato at ginawan ng kwento - kagaya ko rine ginagawa ng kwento tong mga palitan ng emails ng tropa - para bagang balik sa shop - palipas oras sa kwentuhan walang katuturan.

Mabalik ke Ka Hal, eto ang kwento [at palusot] nya:

"Thanks. Nice to hear both sides always. But the software that is running those airplanes should be foolproof. I use handbreak when stopping uphill because my Honda will go down as soon you release the footbreak even on drive. Then, I will put gas before I release the lever. Useful in San Francisco hilly streets.

I almost got killed one time while working on an antenna on a mobile radar in Abu Dhabi. The "local" applied power to the equipment to make the airconditioning unit work inside. The radar didn't have a safety switch to prevent the antenna from turning when it is down [for maintenance]. Actually we made sure that the switch is on before we raised it. One Pakistani got multiple broken ribs when he got run over by the radar antenna."

Hal

Balik naman ni Ka tukayong MarMir eh: "He is still alive... he is a Pakistani & his name is IFTIKAR...." At eto naman po ang tirada ni Montie "Sakit noon no? Ilang ulit bang dinaanan ng antenna yon bago pinatay ni Iqbal. May kwento ako kay Iqbal he he he he...." Di mo ba nahahalata na mahilig tong si Montie na mag-kwento? Yan eh habang me tini-troubleshoot na kung ano sa trabaho. Magaling talaga yang si Montie maski nuon pang apprentice kami... tahimik pero mapanganib.

Naguluhan tuloy si Tukayong MarMir; na mahilig ding mag email at mag kwento: "Pinatay ba yun ni Iqbal.....alin si Iftikar????? o yung radar....." Kaya ang balik ni Montie eh "Ni-review ko sagot ko muk'a ngang pinatay ni Iqbal si Iftiqar he he he... yong radar yon... pero wala ako doon. Narinig ko lang sa imbestigador ng bayan, si Ka Roger..."

At dahil nga malabo ang kwento; lalo na sa akin na di kilala si Igbal o ang lintek na Iftiqar na yun. Buti na lang at nilinaw ni Ka Hal:

"Si Iqbal ba yung bukbukin yung mukha at medyo labas yung ngipin sa harapan? Si Iftiqar naman yung pinakabata na Paki at matangkad at mabait. Masipag at noong nakita akong nag-tratrabaho na sa itaas ay tinulungan ako. Siya pa nga yung nag ON ng interlock switch sa antenna at baka daw makalimutan at problema kung naitaas na yung mast ng radar.

Sino nga ba yung Paki na muntik na nahuli sa lipad sa Pakistan dahil doon sa airlines na papuntang India yung pinilahan niya? Mahilig sa poker yaon at palatawa din at malakas manigarilyo. Best friend ni Mon."

Tamo yan me pahaging pang panlalait ke Montie... best friend daw yung nahuli sa pag uwi sa Pakistan dahil sa katangahang pag pila sa papuntang India. Eh si batchmate Montie eh napaka-talino pa naman, dyan ata ako nangongopya sa Math pag ala si Rodel R o si Boy Alvarez [SLN].

Pero true to form [ika nga], ang sagot ni Montie:

"Si Bashir... Hindi nya alam ang English sa labanos (alam nya sa Urdu) kaya ang tawag nya sa labanos, "opposite of carrot"."

Heheheeee. Kita mo na yan... mula sa mga taga Etihad... napunta ke Bashir na alang alam kung hindi "opposite of carrot", meron pala nun!

1 comment:

FilMasons NSW said...

Kengkoy nga yung Bashir na yun ano....naalala ko yung minsan pumila sya sa loob ng Al Dhafra air base para kunin ang sweldo nya...kasi di ba para maiwasan ang ghost employee ay may buwan na cash ang sweldo natin at pipila ka sa pagkahaba-habang pila na akala mo bibili ng NFA rice sa bilihan ng bayan.....

Pumila daw sya dun at dahil sa dami ng tao pinaupo ang nakapila para di magulo at walang sisingit.... kaso sabi nya after scratching your ass on the floor for 2 to 3 hours suddenly the officer will tell you that your salary is in Bateen....kaya sya BITIN.....

MarMir

Di ko gets, dahil di ko alam ang Bateen...

Mar