Sa shop ay maraming mga kuwento, karamihan ay nakakatawa at iba naman ay mga patungkol sa trabaho lalo na oras ng overtime. At dahil nga overtime at extrang malaki ang bayad, lahat ay halos di na umuuwi, makapag-overtime lamang.
Ito ang isa sa mga kuwento ukol sa overtime:
Nagsimula ito sa isang tanong ni Ka Mon L:
"Montie,
Joke lang. Alam ko namang sila Celo at Lors Canlas ang magkakasabayan hehehe. Ang natatandaan ko lang ay paborito ka ni Mang Lors noon pag may LN-66 Radar Installation.
Nasaan na nga pala si Mang Lors?
Regards,
MonL"
Ang sagot ni Ka Montie; na aking ka batch mate din ['81 for the record!] at di ka batch nina Ka Nanding o ni Mang Lors o Celo] ay ang mga sumusunod:
"Si Mang Lors? Ewan ko lang, wala na akong balita. Pero meron akong naala-ala at ikekwento ko na lang na parang "Maala-ala mo Kaya".... music maestro..... .
Ang kwentong inyong matutunghayan ay pinamagatang. ... (ewan ko baka recycled na 'to baka naikwento ko na?): [Moderator's note: Walang pikunan, kwento lang ito. Ang mga tauhan dine eh talagang kasama sa kwento at di kathang-isip lamang.]
"Gulong"
"Sa takaw ko sa overtime noong apprentice pa ko, naabutan ako ng malakas na ulan at nagkataon naman na walang masakyan noon kaya kahit na nahihiya ako ay lumapit ako kay Mang Lors.
Mabait naman si Mang Lors at kaagad ay sinabing "walang problema". So, sa madaling salita bumaba na kami ng workshop at pumunta sa may kotse nya. Palibhasa nakaupo na si Mokik sa harap, kaya sa likod ako pumuwesto. Pag-bukas pa lang ng pinto ay nagliparan ang napaka-raming lamok na parang sabik makalabas. Pero dahil nga sa walang masakyan... ok lang.
Ang problema na naman, wala ang upuan sa likod dahil di raw kasya sa trunk yong mga gulong na pinalitan nya, so napilitan akong maupo sa gulong. At dahil sa marami pa ring lamok at sarado ang bintana, pa-salat kong hinanap ang pangbukas, pero wala akong masalat at meron lang na parang turnilyo. Nahalata naman ni Mang Lors at buong alalahaning iniabot sa akin ang vise grip.... iyon daw ang pangbukas dahil nasira na yong pihitan, pero dahil nga sa walang masakyan.... ok lang....
Ini-start ang kotse.... ayaw mag-start... . nalamigan daw... so baba kami ni Mokik para magtulak. Kahit malakas ang ulan tulak kami ni Mokik hanggang sa umabot sa may Mabuhay restaurant at saka pa lang nag-start ang kotse. Pero dahil nga sa walang masakyan.... ok lang....
Sakay uli kami at di ko alam kung pawis o ulan ang ang tumutulo galing sa bumbunan ko. Pagtapat sa may Shop 11... hindi nakita ni Mang Lors ang hump... dineretso... BLAGGGG!!!!
Na-shoot ako sa gitna ng gulong na inuupuan ko, tapos yong isa pang gulong pumatong naman sa hita ko... pero dahil sa wala ngang masakyan... ok lang...
Pagdating sa gate, na-routine check naman ng marine, so baba kami at malakas pa rin ang ulan. After mga 10 minutes na check, go uli. Alam mo ang itsura ko noong bumaba na ko? Alam mo yong sisiw sa balot, ganoon!! Nagbabahing na ako sa pagod at lamig ng lumabas kami ng gate...... Kinabukasan. .....
..........overtime uli ako....."
Friday, April 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Langhiya ka Montie kandatawa si Becks habang binabasa tong kwento mo, ayon sumasakit naman ang tiyan baka kinabagan sa katatawa.
Next ko na ipabasa yong taga Calaguiman.
Ka Ed T
Ka Ed T and Montie,
Pasingit lang po! Tama ka Ka Ed T., ako rin ay kanda-luha sa katatawa sa "Maala-ala Mo Kaya" ni Montie. Masaya talaga 'pag nandyan sya.
Akala ko sasabihin nya at the end ay "buti pa na sinugod ko na lang yung ulan, ganuon din pala ang kahihinatnan at muntik pang madag-anan ang kaligayahan ko".....more story Montie!!!!
Regards to ALL KABALITAAN.. ..
Doods
Montie, Ka MarB, Friend Doods,
(By seniority, oopps alphabetical pala - reverse order nga lang hehehe)
Friend, akala ko nga rin yun ang sasabihin ni Montie in the end - na mas mabuti pang sinugod nya ang ulan hehehe. The best talaga ang mga MMK ni Montie. 'Musta na kayo riyan sa Brunei? May balita ka ba kay Sam Radovan at Oliver Minimo?
Ka MarB,
Thanks sa paglagay mo ng MMK ni Montie doon sa blog at nasabit pa ang email ko hehehe. It's indeed a great site!
http://srf67- 61.blogspot. com/
Montie,
Baka may natitira ka pang MMK - padala mo pa rito sa Balitaan. We really enjoy reading your stories. Bakit nga pala parang ka-kontra mo ngayon ang mga mababait kong batchmates (pag natutulog hehehe): sila Mike, Parekoy MarM at Boro?
Regards,
MonL
Alphabetical- in mong muk'a mo.... . Baka pag nakita mo 'ko sa personal sabihin mo "Montie, anong sikreto mo at di ka tumatanda?" .... hindi kita sasagutin.
Montie
Friend MonL,
Marami pa sigurong nakatago na kuwento si Montie sa lumang baul ni Lola Basyang. Hintayin na lang natin next week ang panibagong episode nya.
Wala akong balita kina Sam Radovan, huli kaming nagkita ay 2004 pa yata. Ewan ko lang kung sa Harris St. pa rin sila nakita. Subukan naming pasyalan sa December kung duon pa rin sila. Di kasi kami naka-punta sa kanila nuong 2007 eh, uwi ba kayo this coming December?
Kay Oliver Minimo ay wala na rin akong balita. Pati kay Nilo Ventura.. Okey lang kami dito sa Brunei ng family ko, sa awa ng Diyos ay di pa naman affected ng global financial crisis... Meron na ba kyong college ni Jho? Kami ay mga ilang taon pa,
hopefully, 'pag nag-college yung mga anak ko ay dito pa rin ako sa defence para maka-avail pa rin ng educational allowance from Brunei government.
Ka MarB,
MonL is right, ganda nga nuong blog mo. Sana marami pang MMK na mai-share si Montie para dag-dag collection duon sa blog mo.
REGARDS TO ALL KABALITAAN!! !!!
Doods
Post a Comment